Remote SIM registration, umarangkada sa Talisay, Batangas

TALISAY, Batangas (PIA) — Aabot sa mahigit 200 residente sa bayan na ito ang natulungan ng National Telecommunications Commission (NTC) na maiparehistro ang kanilang mga sim card sa pamamagitan ng “assisted remote sim registration” kamakailan.

Karamihan sa mga nakikinabang sa mga remote sim registrations na isinasagawa ng NTC ay mga senior citizens, PWDs, at maging ang mga gumagamit ng hindi internet-ready na mobile phones gayundin ang mga nakatira sa malalayong lugar at walang koneksyon o mabagal ang internet.

Ayon kay Engr. Dennis Gallares ng NTC, nasa 80 milyon subscribers sa kabuuang 162 milyon subscribers na ang nakapagrehistro sa buong bansa mula sa kanilang datos noong Abril 22 at inaasahang lalo itong madaragdagan sa pagdating ng mga araw.

Kaugnay nito ay naglabas ang pamahalaang nasyusnal ng extension ng sim registration sa loob ng 90 araw hanggang Hulyo 25, 2023. (BPDC, PIA Batangas)

In other News
Skip to content