Renewal ng business permit sa Sorsogon City, pinalawig hanggang Pebrero 15

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Pinalawig ng pamahalaang panlungsod ng Sorsogon ang pagtanggap ng application for renewal ng business licenses hanggang ika-15 ng Pebrero 2023.

Sa extended period na ipinapatupad ay walang ipapataw na anumang multa sa pagbabayad ng Mayor’s Business Permit upang makapagpatuloy ng kanilang negosyo.

Ayon kay City Business Permit and Licensing Office (BPLO) head Rodel Ferreras, hindi na magbibigay ng penalidad ang pamahalaang panlungsod sa business owners na magbabayad ng business permit sa loob ng extension period.

Enero 31 ang orihinal na huling araw ng Business One Stop Shop (BOSS), ngunit bunsod ng extension period, magpapatuloy ang  pagrerehistro sa mga negosyo sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, nagpaalala and BPLO sa  business owners na kailangan na nilang puntahan ang bawat regulatory office bilang pagsunod sa requirements.

Inaasahan na nasa 3,700 ang bilang ng marerehistrong negosyo sa lungsod ngayong taon na may katumbas ng hindi bababa sa P1M revenue collection.

Patuloy naman na hinihikayat ng BPLO ang mga may-ari ng negosyo na hindi pa nagpaparehistro na magparehistro na at magrenew ng kanilang mga permit upang makaiwas sa penalidad. (MBA/PIA5/Sorsogon)

In other News
Skip to content