Alam mo ba? Ang huling salita ni Jose Rizal bago siya pumanaw noong December 30, 1896 ay “Consummatum est” o “Tapos na.”
Buong tapang na hinarap ni Rizal ang kamatayan. Ang kanyang buhay at kamatayan ay aral at inspirasyon. Hindi lahat ng pamamaalam ay wakas—ito’y simula ng panibagong bukas.
Ngayong Rizal Day, gunitain natin ang kanyang kabayanihan at ipaglaban ang kalayaan at katarungan. Mabuhay ang alaala ni Rizal!