Romblon ipinagdiwang ang mas malaking Biniray Festival 2023


Bagama’t masama ang panahon, matiyaga silang nakisaya sa fluvial procession hanggang sa ginanap na night party sa Wharf Road. (Photo Courtesy: FB/Just Lens)

ROMBLON, Romblon (PIA) — Libo-libong mga turista at residente ang nag-antay sa kalsada paikot ng Poblacion, Romblon, Romblon nitong Sabado para makisaya sa mas pinalaking Biniray Festival ngayong taon.

Bagama’t masama ang panahon, matiyaga silang nakisaya sa fluvial procession hanggang sa ginanap na night party sa Wharf Road.

Ayon sa alkalde ng bayan na si Gerard Montojo, mas malaki ang selebrasyon ngayong taon dahil sa patuloy na pagluwag ng Romblon mula sa restrictions dahil sa Covid-19.

“Last year, talagang street dancing lang at walang competition, just to honor the Señor Sto. Niño. Ngayon talaga may premyo na, at siyam na tribes yung sumali,” pahayag ng alkalde sa isang panayam sa PIA Romblon.

Kabilang sa mga sumaling tribo mula sa iba’t ibang barangay ay ang NIPGNAHIS, YUM-YUM, BLACK ANGELS, MANOBO, APUNAN, BAGACAY, KANIPAAN, ALUPAM, at ang PASUROY.

Sa huli, itinanghal at pumatok sa mata ng mga hurado ang tribo ng BAGACAY na nakakuha ng first place, sinundan ng APUNAN sa second place at NIPGNAHIS sa third place. (PJF/PIA Mimaropa)

In other News
Skip to content