Ang Hulyo ay Nutrition Month! At ngayong 2024, ipinagdiriwang ang ika-limampung taon mula nang maisabatas ang Presidential Decree 491 o ang Nutrition Act of the Philippines.
Kaisa ng National Nutrition Council ang Philippine Information Agency sa layunin ng programa para sa Nutrition Month 2024.
Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ay “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!” na naka-angkla sa Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028.