Selebrasyon para sa mga artista at manlilikha ng bayan, idinaos sa Luneta

(Mga larawan mula sa NCCA)

 

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Sa pagdiriwang ng kauna-unahang Philippine Creative Industries Month (PCIM) 2023 ngayong Setyembre, nagsagawa ng iba’t ibang workshop na may kaugnayan sa malikhaing industriya or “creative industries” sa Luneta, Maynila nitong Linggo na pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Department of Trade and Industry (DTI). 

Ang sabayang mga workshop ay libreng ibinigay sa publiko sa palibot ng Rizal Park kung saan dinaluhan ito ng mga kalahok na nagnanais matuto sa iba’t ibang larangan ng “creative industries.”

Tampok sa mga ito ay kabilang sa ibat’ ibang domain sa ilalim ng bagong batas na Philippine Creative Industries Development Act (RA 11904): 

  • Audiovisual Media Domain – Pag-aaral ng Filipino sa pamamagitan ng Wikaharian mula sa Knowledge Channel Foundation Inc.
  • Digital Interactive Media Domain – How to start your own blockchain game project? mula kay Dr. Albert Mulles ng METATOKYO, at Learning Through Minecraft Exhibit mula sa Department of Science and Technology (DOST) 
  • Creative Services Domain – Events Management Workshop
  • Design Domain – Shoemaking Workshop, Parol Making Workshop, Jewelry Making Workshop, at T-shirt Printing Workshop
    Publishing and Printed Media Domain – Basic Comics Workshop mula kay Rustico Limosinero, at Book Selling and Exhibit mula sa Barasoain Kalinangan Foundation Inc.
  • Performing Arts Domain – Song Writing Workshop mula kay Joey Ayala, Theater Acting Workshop mula kay Nanding Josef, Dance Workshop, Puppetry Workshop mula sa Samahan ng mga Papetir ng Pilipinas
  • Visual Arts Domain – Pottery Workshop mula sa OdangPutikPottery, Painting Workshop mula kay Egai Fernandez, at Basic Photography Workshop mula sa Federation of Philippine Photographers Foundation 
  • Traditional Cultural Expressions Domain – Baybayin Workshop, Pabalat Making, Ilocos Empanada Making, at Traditional Weaving Demo
  • Cultural Sites Domain – NCCA Papercraft Series at Exhibit

Song Writing Workshop mula kay Joey Ayala

Parol Making Workshop

Pottery Workshop mula sa OdangPutikPottery

Jewelry Making Workshop

Theater Acting Workshop mula kay Nanding Josef

Dance Workshop

How to start your own blockchain game project? mula kay Dr. Albert Mulles ng METATOKYO

Painting Workshop mula kay Egai Fernandez

Sa mensahe ni NCCA Executive Director Oscar G. Casaysay, malaki ang papel ng sining sa buhay ng mga Pilipino. 

Mapa-musika, literatura, sayaw, teatro, pelikula, pag-guhit at pag-pinta. Napapatawa tayo nito. Napapaiyak. May kakayahan itong gisingin ang ating mga kamalayan mula sa patungsada ng mga mananakop… Dito tayo humihilig. Dito tayo umuwi,” sinabi ni Exec. Dir. Casaysay. 

Ang tema ngayong taon ay “Celebrating Filipino Creativity, Advancing Creative Philippines.” Sa ilalim ng Philippine Creative Industries Development Act (PCIDA) (RA 11904), ang PCIM naglalayong isulong ang mga produkto at serbisyo ng mga malikhaing industriya sa Pilipinas, at upang itaas ang kamalayan sa kanilang papel sa pagpapa-unlad ng bansa (nation-building) at socioeconomic advancement. 

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang pagkakasabatas ng Philippine Creative Industries Development Act o PCIDA. At bilang isang simbolo ng ating higit na pagpapahalaga sa karapatan at kakayahan ng ating mga artista at manlilikha ng bayan, tayo po ay pinagbuklod-buklod upang salabungin ang kasiyahan at pag-asa ang selebrasyon ng Philippine Creative Industries Month 2020,” ayon kay Exec. Dir. Casaysay.

Layon ng batas na PCIDA na itaguyod at suportahan ang pagpapaunlad ng mga malikhaing industriya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagprotekta at pagpapalakas ng mga karapatan at mga kapasidad ng mga malikhaing kumpanya (creative firms), mga artista (artists), mga artisan, manlilikha (creators), manggagawa (workers), katutubong pamayanang kultural (indigenous cultural communities), tagapagbigay ng nilalaman (content providers), at mga stakeholder sa mga industriyang malikhain.

Sa suporta din ng National Parks Development Committee (NPDC) at Concert @ the Park, isang live concert ang isinagawa noong gabi kung saan nagtanghal ang iba’t ibang local artists gaya nila Bayang Barrios, Noel Cabangon, Colot it Red, Halili Cruz Dance Company, Joey Ayala, National Ballroom Ensemble, Ramon Obusan Folkloric Group, Sindaw Philippines, Teatro ni Juan, Ysanygo, at Roppets Puppet Show. (PIA-NCR)

In other News
Skip to content