BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) – Nasa 800 na mga mamamayan ng Barangay Abuyo, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya ang nabiyayaan ng iba’t-ibang serbiyso at programa ng pamahalaan kamakailan sa isinagawang ‘Serbisyo Caravan’ sa lugar.
Ayon kay Provincial Jail Warden Carmelo Andrada, chairperson ng Provincial Task Force – ‘Serbisyo Caravan’, naging matagumpay ang nasabing programa na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahlaang nasyunal at lokal.
“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa suporta at tulong na ibinahagi ng bawat isa tungo sa matagumpay na isinagawang Serbisyo Caravan,” pahayag ni Andrada.
Ayon pa sa kanya, ang ‘Serbisyo Caravan’ ng pamahalaan ay isang malaking ambag upang mapanatili ang suporta at tulong ng pamahalaan sa mga Geographically Isolated and Depressed Areas (GIDA) kung saan kabilang dito ang Barangay Abuyo.
Dagdag pa ni Andrada na itutuloy ng pamahalaan ang ‘Serbisyo Caravan’ sa mga tinaguriang GIDAs sa lalawigan upang mapanatili ang pagbibigay ng mga programa, serbisyo at proyekto ng pamahalaan sa mga nangangailangang komunidad at mamamayan.
Ang mga dumalong ahensiya ng pamahalaan i sa ‘Serbisyo Caravan’ ay kinabibilangang ng Department of Education; Department of Agriculture; Department of Social and Welfare Development; Bureau of Fire Protection; Philippine National Police; Department of Trade and Industry; Department of Labor and Employment; Department of Information and Communications Technology; National Bureau of Investigation; National Intelligence and Coordinating Agency; Philippine Information Agency; Provincial Agriculture Office; Provincial Social and Welfare and Development; Provincial Disaster Risk and Reduction Management; Provincial Integrated Health Office; Provincial DOH Office; Provincial Affairs and Information Assistance Division; Provincial Information Technology Department; Region II Trauma and Medical Center; Nueva Vizcaya Provincial Jail; Land Transportation Office; Department of Public Works and Highways; 203rd Reserve Command; 84th IB Philippine Army; Dupax District Hospital; Bagabag District Hospital, Department of the Interior and Local Government at iba pa. (BME/PIA NVizcaya) Photos Courtesy of DILG, PDRRMO NV