
Hinihikayat ni Police Col. Arvie Aserre Paraon-Bueno, tagapagsalita ng Police Regional Office 7, ang lahat na maging responsable sa paggamit at pagsuri ng impormasyon at magtiwala lamang sa mga mapagkakatiwalaang pahayagan o media.
Binigyang-diin niya na ang pagpuksa sa pagkalat ng mga “fake news” ay “shared responsibility” ng lipunan, hindi lamang ng mga awtoridad.