Shark Fin Bay Environmental Research Center, itatayo sa Taytay, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) — Magtatayo ng Shark Fin Bay Environmental Research Center ang bansang France sa Bayan ng Taytay partikular sa Bgy. Sandoval.

Isinagawa ang groundbreaking ceremony nito kamakailan na pinangunahan nina French Ambassador to the Philippines Her Excellency Madame Michèle Boccoz at Department of Environment and Natural Resources Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.

Ang nasabing sentro ay isang coastal ecological restoration training center na pinangangasiwaan ng French Facility for Global Environment at Sulubaaï Environmental Foundation.

Layon ng pasilidad na mapangalagaan ang coral reef biodiversity sa Shark Fin Bay’s reefs, maturuan ang mga mangingisda ng sustainable fishing, at mabantayaan ang karagatan mula sa non-sustainable fishing practices gaya ng dynamite fishing.

Kasama rin sa groundbreaking ceremony ang ilang opisyales ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Christian V. Rodriguez.

Kinatawan naman ni Ceasar Sammy Magbanua, Chief-Of-Staff ng Office of the Governor ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Ang aktibidad na ito ay kasabay din ng pagdiriwang ng ika-75 taong diplomatic relationship ng bansang France at Pilipinas. (OCJ/PIA-MIMAROPA)


Ang grounbreaking ceremony ng itatayong Shark Fin Bay Environmental Research Center sa bayan ng Taytay partikular sa Bgy. Sandoval na pinangunahan nina French Ambassador to the Philippines Her Excellency Madame Michèle Boccoz at Department of Environment and Natural Resources Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga kamakailan. (Larawan sa itaas at sa ibaba ay mula sa PIO-Palawan)

In other News
Skip to content