SONA 2024: Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and their Families

Nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address na sa nakalipas na dalawang taon, mahigit siyam na bilyong pisong halaga ang naging bayad-pinsala sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ng El Niño.

Isa sa mga programa ng pamahalaan upang maibsan ang matinding epekto nito ay ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and their Families o PAFFF. Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P10,000.

Ilan sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa Mindanao ang mga nakatanggap ng financial assistance mula sa Pangulo.

In other News
Skip to content