Sto.Tomas City gov’t, sumailalim sa ARTA orientation

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) — Nagsagawa ang Anti-Red Tape Authpority (ARTA) Southern Tagalog ng isang orientasyon para sa mga kawani ng lungsod ng Sto. Tomas noong ika-17 ng Agosto,2023.

Sa mensahe ni Mayor Arth Jhun Marasigan, tumutugma sa layunin ng ARTA ang kanyang palagiang direktiba na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod sa ilalim ng “Aksyon Bilis na may Ngiting Tomasino”.

Kaakibat aniya nito ang pagpapatupad ng mahigpit na kampanya laban sa red tape, mahabang pila, cut-off system, no noon break, no fixers at prosesong walang citizen charter.

“Patuloy ang paalala natin sa lahat ng mga empleyado na kailangang magbigay tayo ng hindi matatawarang serbisyo sa lahat ng ating mga kapwa Tomasino dahil ito ang ating ipinangako noong tayo ay magsimulang manungkulan at patuloy pa nating pauunladin at isasaayos ang lahat ng serbisyo sa mga darating pang araw”, ani Marasigan.

Pinangunahan ni G. Jose Rondo Rocabo, ARTA Prject Development Officer III ang oryentasyon sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Tinalakay naman ni Bb. Hanna Mari Flores, ARTA Special Investigator II ang komposisyon ng Committee of Anti-Red Tape(CART) at presentasyon ng mga programa at serbisyo ng ARTA.

Dumalo sa naturang oryentasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga pinuno ng iba’t ibang departamento sa pamahaaang lungsod ng Sto. Tomas. (BPDC)

In other News
Skip to content