Sustenidong relief ops at cash aid para sa mga nasalanta ni ‘Kristine’ — DSWD chief

LUNGSOD NG QUEZON — Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyong Kristine.

Ito ang tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kasabay ng pagsasabing walang magugutom sa gitna ng nararanasang kalamidad sa bansa.

“Sa ngalan ng DSWD, nais naming i-assure ang ating mga kakabayan na naapektuhan ng Bagyong Kristine na nakahanda ang aming Departamento na mag-supply ng mga family food packs (FFPs) nationwide sa ating mga local government units (LGUs) na siya namang magdi-distribute sa ating mga residente. Makakaasa po kayo tuluy-tuloy din po yan dahil yan ang instruction ng ating mahal na pangulo, na walang biktima ng kalamidad na ito ang magugutom,” sabi ni Secretary Gatchalian sa harap ng mga mamamahayag sa ginanap na
press briefing na inorganisa ng Presidential Operations Office (PCO) kaugnay ng ginagawang disaster response ng pamahalaan.

Sinabi pa ng DSWD chief, nasa 100,000 kahon ng family food packs (FFPs) ang dadalhin Bicol Region ngayong araw.

Sabi pa ng Kalihim, ang mga nasabing FFPs ay bukod pa sa 120,000 FFPs na naipadala na sa iba’t-ibang lugar sa bansa, base sa mga request and withdrawal ng mga LGUs para sa kanilang relief operations.

“Tuloy tuloy ang withdrawals ng mga local government units, pero hindi tayo tumitigil diyan, habang nagwi-withdraw sila, nagpapadala na tayo ng karagdagang another 100 thousand food packs sa Bicol. Enroute na yon ngayon. So hindi pa man nauubos ang family food packs sa region, dinadagdagan na ho natin siya,” paliwanag pa ng DSWD chief.

Gayundin, tiniyak ng DSWD Secretary bukod sa pamamahagi ng relief assistance sa mga pamilya at indibidwal na nasalanta ng bagyo, handa rin ang ahensya na maglaan ng financial aid bilang suporta sa iba pang pangangailangan.

“Kung tatanungin niyo kung may available funds, again, let me categorically say that the DSWD has available funds ready to mobilize financial assistance in the coming days. Hindi naman yan nauubos, that’s on top of our regular assistance funds at meron din kami yung sa disaster funds namin,” sabi pa ni Secretary Gatchalian.

“Pag bumaba na po ang tubig baha, ang mga cash relief at cash assistance ay magsisimula na sa mabilis na panahon,” dagdag pa ng Kalihim.

Samantala, isa pang low pressure area ang binabantayan ng pamahalaan kabilang na ang DSWD.

“In fact we are already keeping an eye out on the second storm that is brewing sa eastern seaboard natin and we know na marami pang darating sa November. So we are ready, we have the funds, we can mobilize,” sabi pa ng DSWD chief. (DSWD)

In other News
Skip to content