Taguig Mobile Diagnostics Van, umarangkada na

(Photo credit: Taguig City PIO)

LUNGSOD QUEZON (PIA) — Nagsimula nang umikot ang Mobile Diagnostic Van sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Taguig upang magbigay ng libreng laboratory tests.

Ito ay nagsimulang umarangkada, Miyerkules sa Lakeshore, Barangay Lower Bicutan.

Ang van ay nagbibigay ng mga sumusunod nang libre:

  • Chest x-ray
  • ECG
  • Ultrasound
  • Laboratory tests (Blood Sugar, Blood typing, Urinalysis at Complete Blood Count)

Ito ay karagdagang bahagi ng Taguig Love Caravan na umiikot rin sa iba’t ibang barangay sa lungsod, tatlong beses sa isang linggo.

Bukod sa laboratory tests, ito rin ay nagbibigay ng mga sumusunod na serbisyo sa mga residente:

  • Libreng checkup
  • Libreng gamot
  • Libreng laboratory at diagnostic services
  • Libreng dental services
  • Libreng food preparation/nutrition demo

Sa kaniyang naging talumpati, sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang  kahalagahan ng paglalapit ng libreng serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad.

Kabahagi ng ating TLC agenda Transformative, Lively, and Caring City. Sa ilalim ng Caring City, malasakit, pagkalinga, pamahalaang siyang lumalapit sa ating mga kababayan at naghahatid ng serbisyong abot-kamay po ninyo,” sinabi ni Cayetano. 

Upang malaman kung anong lugar ang susunod na bibisitahin ng caravan, pindutin lamang ang link na ito:  (PIA-NCR)

In other News
Skip to content