Tagumpay laban sa pandemya ipinagdiwang ng DepEd sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Ipinagdiwang ng Department of Education sa lungsod na ito ang tagumpay laban sa coronavirus pandemic sa pamamagitan ng “Legacy Festival”  na ginanap sa Sorsogon Provincial Gymnasium nitong ika-13 ng Pebrero  hanggang ika-17 ng Pebrero 2023.

Ayon kay Sorsogon City Shools Division Superintendent  William Gando, ang aktibidad na may temang: “Building legacies despite adversities-celebrating triumps over trials” ay pagdiriwang at pasasalamat dahil nalampasan ng DepEd ang mga hamon, dagok at pagsubok sa panahon ng pandemya.

Naging tampok sa legacy festival ang mga display kiosk at exibit ng mga legacy projects ng mga guro at principal ng bawat paaralan sa lungsod.

Umabot sa 83 mga pampublikong paaralan at 21 pribadong paaralan sa Sorsogon City ang nakilahok sa nasabing kaganapan.

Nagsagawa din ng launching ng Division Change Plan o tinatawag na “The Village Incorporated” na ginanap noong February 17, 2023 kung saan layunin nitong ma-icapitalized ang mga natutunang leksyon sa mga karanasan nitong nagdaang pandemya.

Samantala isinagawa naman ang parangal para sa legacy builders na ginanap nitong ika-17 ng Pebrero . (PIA5/Sorsogon)

In other News
Skip to content