Tamang presyo ng bigas sa Pasay, tiniyak ng lgu

(Photo credit: Pasay City PIO)

LUNGSOD QUEZON (PIA) — Upang matiyak ang implementasyon ng price ceiling sa bigas sa ilalim ng Executive Order No. 39 (E.O.39), pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagiinspeksyon sa mga palengke sa lungsod

Sa ilalim ng E.O. 39, ang presyo ng regular milled rice ay hindi dapat lumagpas ng Php 41 kada kilo, at Php 45 naman para sa well-milled rice.

Una niyang tinungo ang Pasay City Public Market kasunod ang Pamilihan ng Cartimar kung saan isa-isa niyang binisita ang mga rice retailers.

Pinuri at pinasalamatan niya naman ang mga tindahang tumugon sa direktiba at pinakiusapan na patuloy itong sundin.

Ang E.O. 39 ay mananatiling epektibo hangga’t hindi binabawi sa pamamagitan ng panibagong kautusan mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa rekomendasyon ng Price Coordinating Council o ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry. (PIA-NCR) 

In other News
Skip to content