Tara na’t makisaya sa Higantes and Arts Festival 2024

Sa temang, “𝘕𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢, 𝘛𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨-𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘏𝘪𝘨𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨. 𝘒𝘦𝘦𝘱 𝘔𝘰𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘨𝘰𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘔𝘢𝘺 𝘗𝘶𝘴𝘰,” ang Pamahalaang Bayan ng Angono ay magdiriwang ng mas pinahitik na Higantes and Arts Festival 2024.

Ang opisyal na paglulunsad ay gaganapin ngayong ika-31 ng Oktubre kasabay ng pag-unveil ng Higantes Festival Calendar of Activities.

Alinsunod sa tema nito, kinikilala ng lokal na pamahalaan ang pagkakaisa at bayanihan ng mga taga-Angono sa pagsulong at pagLIPAD sa pinakamataas upang maabot ang mithiin bilang isang bayan.

Sa ika-17 ng Nobyembre, ang pagdiriwang ay sisimulan sa taunang parada sa umaga na susundan ng Higantes Stop Dance at mga opening and guest performances. Pagdating naman ng hapon, maglalaban-laban ang mg abanda sa Marching Band Competition, Fancy Drill Competition, Majorette Group Competition, at Majorette Solo Competition, na susundan ng Parehadora’s Street Dance Competition. Sa gabi gaganapin ang pagkilala sa mga magwawagi na susundan ng isang fireworks display.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Angono ay magdadala ng promosyon sa mga natatanging produkto ng bayan na makikita sa Pasalubong Center ng Tourism Office. Patok din ang kakaibang delicacy na ‘fried itik’ – na isang inspirasyon para sa pagdaraos ng Fried Itik Cooking Contest na gaganapin sa Nobyembre 11, 2024 sa Plaza Rizal.

Ang pagdiriwang na ito ay isang paraan ng pasasalamat ng pamahalaan mula sa lahat ng biyayang natatanggap nito sa buong taon. Ang Higantes Festival ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo bago ang Kapistahan ng patrong San Clemente na ginaganap tuwing Nobyembre 22-23.

Maraming pang mga kapana-panabik na kaganapan ang dapat abangan.

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan kay Ms. Tracy Vicente, Head, Tourism Office o kay Mr. John Robert Ducabo, Head, Youth Development and Information Division sa pamamagitan ng opisyal na Facebook pages Angono Tourism at Angono Public Information Office.

In other News
Skip to content