Tarlakenyo fish farmers sumasailalim sa pagsasanay ng BFAR

LUNGSOD NG TARLAC (PIA) — Sumasailalim sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang may 40 fish farmers sa lalawigan ng Tarlac.

Gaganapin mula Abril hanggang Agosto ang pagsasanay sa teknolohiya na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng industriya.

Sinabi ni BFAR Regional Director Wilfredo Cruz na sa pamamagitan ng Fish Farmers Field School ay maituturo sa mga mangingisda ang pinakabagong teknolohiya na magpapaunlad sa kanilang operasyon at kabuhayan bilang mga magsasaka ng isda.

Dagdag pa niya, hangarin nitong  ituro ang mga pamamaraan ng pag-aalaga ng ulang at tilapia na magkasama sa isang palaisdaan.

Kabilang sa mga pinag-aaralan sa aktibidad ang pond preparation at paggawa ng artificial shelter ng ulang.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong linggo na ang Farmers Field School para sa freshwater polyculture technology. (CLJD/GLSB-PIA 3)

May 40 fish farmers sa lalawigan ng Tarlac ang sumasailalim sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ukol sa makabagong teknolohiya sa freshwater polyculture technology. (BFAR Central Luzon)

In other News
Skip to content