Taunang ‘Sugbahan sa Dalan’ ng Gensan’s Tuna Festival, dinagsa ng libu-libong Heneral at turista

GENERAL SANTOS CITY (PIA) — Patok na patok pa rin sa General Santos City ang hilera ng mga inihaw na panga ng tuna sa isinagawang “Sugbahan sa Dalan” noong Sabado, Setyembre 2.

Ang Sugbahan sa Dalan ay isa sa mga pinakamasayang aktibidad na taunang dinudumog ng mga heneral, o mga residente ng Gensan, at maging mga dayo’t turista na nag-aabang sa pagdaraos ng Tuna Festival simula pa noong 2015.

Sa ika-25 na pagdiriwang ng Tuna Festival ngayong taon, ipinagmalaki muli ng lungsod na tinaguriang “Tuna Capital of the Philippines” ang masaganang industriya ng pangingisda sa pamamagitan ng pag-“sugba” o pag-ihaw ng iba’t ibang sariwang huli sa kahabaan ng Pioneer Avenue ng lungsod.

 

Maliban sa ordinaryong mamamayan ng Gensan, dinaluhan din ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ilang mga pribadong kompanya ang naturang aktibidad bilang pakikiisa sa selebrasyon.

Ayon sa datos ng lokal na pamahalaan, ang Sugbahan sa Dalan ay dinaluhan ng libu-libong mga heneral at bisita na nakisaya sa mahabang pag-iihaw ng masasarap na tuna, hipon, at iba pang katakam-takam na pagkaing-dagat. (HJPF, PIA SarGen)

 

In other News
Skip to content