Tax relief, cash aid ipinamahagi ng Marikina sa mga micro rice retailers

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Magandang balita! Namahagi kamakailan ng tulong pinansyal at iba pang tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa 149 registered micro rice retailers ng lungsod.

Ito ang tugon ng lokal na pamahalaan bilang tulong sa mga micro rice retailers kasunod ng pagtakda ng pamahalaan ng price cap sa regular at well-milled rice sa buong bansa.

Mapalad tayo sa Marikina dahil ang ating mga retailers ay maayos, may disiplina, at sumusunod sa panuntunan. Ganoon pa man, sa kanilang pagsunod sa panuntunan, marami sa kanila ang nakakaranas ng pagkalugi kaya tayo ay kumonsulta sa ating Sangguniang Panlungsod upang makapagbigay ng tulong habang umiiral ang panuntunang ito,” wika ni Mayor Marcy.

Naging akmang pagkakataon din ang aktibidad upang makausap at makuha ni Mayor Marcy ang saloobin ng mga micro rice retailers hinggil sa umiiral na price cap. Pinasalamatan din niya ang mga ito sa pagsunod sa panuntunan. (Mga kuha mula sa Marikina PIO)

Kasabay nang pamamahgi ng cash assistance, nilagdaan at pinagtibay rin ni Mayor Marcy ang mga mga sumusunod na ordinansa:

  • ORDINANCE NO. 68, SERIES OF 2023 – Ordinance granting relief on rental payments to rice retailers at the Marikina Public Market in the City of Marikina
  • ORDINANCE NO. 69, SERIES OF 2023 – Ordinance granting relief on business tax payment to rice retailers in the City of Marikina
  • ORDINANCE 70, SERIES OF 2023 – Ordinance Granting Cash Assistance to Rice Retailers in the City of Marikina

Ayon sa pamahalaang lungsod, nakasaad sa Ordinansa 68, Serye ng 2023, hindi pagbabayarin ng renta o upa ang mga micro rice retailers sa Marikina Public Market sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre ng taong 2023.

Ipinaliwanag din ni Mayor Marcy ang nilalaman ng Ordinansa 69, Serye ng 2023 na nagsasaad na ang mga eligible rice retailers sa Lungsod ng Marikina ay hindi pagbabayarin ng business tax sa ikatlo at ikaapat na bahagi (3rd at 4th quarters) ng taong 2023, kung kailan epektibo ang price cap. Samantala, ang mga nauna nang nagbayad ng business tax para sa nasabing panahon ay pagkakalooban ng tax credit.

Samantala, pinasalamatan din ni Mayor Marcy ang mga micro rice retailers sa pagsunod sa panuntunan. (Marikina City/PIA-NCR)

In other News
Skip to content