Tech4Ed Champions sa rehiyon, kinilala. Ugnayan ng DICT at mga stakeholders, higit na palalakasin.


Pakikipat-ugnayan sa ibang mga ahensiya at organisasyon ang nakikitang susi ni DICT Regions IV-A and IV-B Regional Director Cheryl Ortega upang makapag lingkod nang maayos at mailapat ang mga programang nararapat para sa mga mamamayan.

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Pinarangalan ng Department of Information and Communication Techonology (DICT) IV ang mga nagwagi bilang Tech4ED Champions sa rehiyon ng Mimaropa noong Enero 12 sa Mount Malarayat Golf and Country Club, Lipa City, Batangas.

May tema ang gawain na “A Kickoff to Breaktbroughs of 2023 and Beyond”.

Ang Tech4ED Awards and Conference 2022 ay kumikilala sa mga Tech4ED Centers na may katangi-tanging pagpupursige na maisulong ang mga programa at proyekto na may kinalaman sa pagpapaunlad ng information and communication technology sa kanilang nasasakupan.

Tumanggap ng 1st place award ang Aurelio Arago Memorial National High School Tech4ED Center ng Orienta Mindoro para sa kategoryang MIMAROPA Outstanding Tech4ED Awardee Nasungkit naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Puerto Princesa City Tech4ED Center ang ikalawang pwesto at ng Language Skills Institute Tech4ED Center ng Provincial Government of Oriental Mindoro ang ikatlong pwesto. Samantala, tumanggap naman ng 1st place para sa kategoryang MIMAROPA Emerging Tech4ED Awardee ang Bansud District Jail Tech4ED Center; ikalawang pwesto naman para sa DEPED Francisco Ubay Memorial Elementary School Tech4Ed Center at Porfirio G. Comia MES Tech4ED Center para sa ikatlong pwesto.

Samantala, upang higit na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng ahensiya ng Department of Information and Communication Technology (DICT) Region IV at ng mga key partners at stakeholders; lumagda ang mga ito ng Letter of Intent for Partnership for ICT capacity-building programs and projects.

Sa pamamagitan nito, higit na pagtitibayin ang komitment ng dalawang panig upang paunlarin ang estado ng ICT sa rehiyon.

Sa mensaheng ibinahagi ni DICT Regions IV-A and IV-B Regional Director Cheryl Ortega, naniniwala ito na sa pamamagitan ng masinsinang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya at organisasyon mas mapaglilingkuran nang maagap at maayos ang mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mga programa at proyektong naaayon sa pangangailangan ng mga ito. (JJGS/PIA MIMAROPA)

Larawan mula DICT Region IV-B page

In other News
Skip to content