Idiniin ni Sen.Francis Tolentino ang patuloy at kalkuladong pag-atake ng People’s Republic of China sa Pilipinas, na siyang nagpapakita ng kawalan ng respeto sa ating bansa at sa mga Pilipino.
Ito ay matapos pag-usapan ng Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones ngayong ika-23 ng Abril ang mga kaso ng nahuling espiya at natagpuang submersible drone mula China, na maituturo sa motibo ng espionage at pagkompromiso sa seguridad ng Pilipinas.
Panoorin ang hearing: https://www.facebook.com/senateph/videos/1332913617972871