Tulong pinansyal mula sa ECC, ipinagkaloob sa mga biktima ng pagsabog sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN (PIA) — Nagkaloob kamakailan ng tulong pinansyal ang Employees’ Compensation Commission (ECC) Regional Extension Unit MIMAROPA sa ilalim ng Quick Response Program (QRP) sa mga empleyadong naapektuhan ng pagsabog sa isang establisyemento sa lungsod ng Calapan kamakailan.

Nangyari ang insidente kung saan nasugatan sa pagsabog ang karamihan sa mga empleyado ng estabisyemento at nagtamo ng scald burns sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Dahil dito, dinala agad ang mga ito sa Maria Estrella General Hospital upang lapatan ng paunang medikal na interbensyon.

Sa pamamagitan ni ECC Information Officer Ruth Calinao, inaksyunan agad ng tanggapan ang mga biktima upang hinggil sa kanilang karapatan tungkol sa mga benepisyong maaaring makamit ng mga ito sa ilalim ng programa.

Layunin ng ahensiya na maprotektahan ang karapatan ng mga ito, gayundin ang maisiguro na ang mga nararapat na kompensasyon ay kanilang matatanggap.

Patuloy pa rin ang isinasagawang koordinasyon ng ECC sa mga konsernadong stakeholders at mga awtoridad upang maisiguro ang mabilis na daloy ng tulong sa mga biktima habang nagpapagaling ang mga ito. (JJGS/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)


Kinakapanayam ng kinatawan ng ECC Mimaropa ang kamag-anak ng empleyadong naapektuhan ng pagsabog sa isang establisyemento sa Lungsod ng Calapan. Dito, ibinahagi ng kawani ang mga maaaring matanggap na kumpensasyon ng empleyado sa ilalim ng Quick Response Program matapos ang insidente. (Larawan mula sa ECC Mimaropa)

In other News
Skip to content