TUPAD Workers ng LGU-Roxas, Palawan, tumulong sa paggawa ng ‘oil spill boom’

TUPAD Workers ng LGU-Roxas, Palawan, tumulong sa paggawa ng ‘oil spill boom’

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) — Tumutulong sa paggawa ng improvised oil spiller/oil boom ang nasa 299 benepisyaryong nasa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang nasabing mga TUPAD worker sa Bayan ng Roxas, Palawan ang katulong ng pamahalaang lokal sa paghahanda sa nakaamba na oil spill mula sa MT Princess Empress na lumubog sa karagatan ng Oriental Mindoro kamakailan.

Sa impormasyong ibinahagi ng DOLE-Palawan sa pamamagitan ng kanilang facebook page, sinabi ni Regina P. Adion, Labor and Employment Officer III, acting HRMO at Assistant to the PESO Manager na sa kasalukuyan ay kanilang pinagtatrabaho ang mga TUPAD beneficiaries upang gumawa ng improvised na oil spill boom para gamiting pangharang sa tumagas na langis upang hindi na ito makarating pa sa dalampasigan at nang hindi na ito maka-makaperhuwisyo sa kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan sa nasabing bayan.

Sinabi pa ni Adion na isa ang pangingisda sa mga pangunahing kabuhayan ng naturang bayan at mayroon na rin umuusbong na tourism activities sa mga baybayin nito.

Ang 299 benepisyaryong ng TUPAD ay magtatrabaho sa loob ng 15 na araw na may apat na oras kada araw at kapalit nito, sila ay makakatanggap ng sahod na Php355.00, ang prevailing minimum wage sa buong MIMAROPA Region.

Ito ay nagsimula noong Marso 6, 2023 at matatapos sa Marso 22, 2023 kung saan ang kanilang serbisyo ay may kaakibat na micro-insurance sa ilalim ng GSIS Personal Accident Insurance (GPAI) at Personal Protective Equipment (Long Sleeves, sombrero, gloves at facemasks).

Ang nasabing programa ay direktang ipinatutupad sa pangunguna ng DOLE MIMAROPA at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Roxas sa pamamagitan ng kanilang Municipal Public Employment Service Office (PESO). (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Tumutulong sa paggawa ng improvised oil spiller/oil boom ang nasa 299 benepisyaryong nasa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE). (Larawan sa itaas at sa ibaba ay mula sa DOLE-Palawan)

In other News
Skip to content