Unang liga ng PDAO sa bansa, handa ng ipatupad ang kanilang mga programa

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Isinagawa ang unang pagpupulong ng bagong samahan na Mimaropa League of Persons with Disability Affairs Office (LPDAO) matapos makapanumpa sa harap ni Department of Social Welfare and Development Regional Director Leonardo C. Reynoso at National Council on Disability Affairs (NCDA) Executive Director Joniro F. Frandejas ang mga opisyales upang talakayin ang mga ipatutupad na programa na ginanap sa Conference Room ng NCDA sa Brgy. Holy Spirit sa lungsod ng Quezon kamakailan.

Pinamumunuan ni Calapan City PDAO Head Benjamin Agua, Jr. ang kapulungan at kanilang tinalakay ang mga programa kabilang ang pondo na kanilang gagamitin bilang paghahanda sa gaganaping Local Council Protection for Children on Children Concerns, Gender and Development, pagmamalasakit sa mga kababaihan, Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO) on Disabiltiy Inclusive Disaster Risk Reduction at iba pang intindihin sa mga may kapansanan.

Samantala, ikinatuwa nina Dir. Reynoso at Dir. Frandejas ang pagkakaroon ng samahan ng liga ng PDAO na unang itinatag sa lalawigan ng Oriental Mindoro na pinamumunuan din ni Agua bilang pangulo kaya kanyang hinikayat ang mga pinuno ng PDAO sa rehiyon upang bumuo ng samahan at hindi nagtagal ay nagkaroon ng kauna-unahang Mimaropa League of Persons with Disability Affairs Office sa buong bansa.

Ayon pa sa dalawang direktor, kanila din hihikayatin ang ibang mga pinuno ng lalawigan at rehiyon na magtatag din ng liga ng PDAO upang sama-sama silang makagawa ng mga programa at proyekto na aangkop sa kakayahan ng mga Persons with Disability (PWD) sa bansa. (DN/PIA-Mimaropa/OrMin/Larawan sa itaas kuha ng PDAO Calapan)

In other News
Skip to content