Pinabulaanan ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro ang alegasyon na tina-target ng administrasyong Marcos ang pamilyang Duterte matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ni Castro na ang kaso laban sa dating Pangulo ay hindi isinampa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kundi sa panahon pa mismo ng dating pangulo.
Aniya, walang sinisingle out ang pamahalaan dahil ang kasong ito ay resulta ng sariling mga ginawa ni Duterte.