LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Handa ka na bang magparehistro bilang botante para sa 2025 National and Local Elections?
Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na magsisimula na ang pagpaparehistro para sa gaganaping eleksyon sa 2025.
Ito ay magsisimula sa Pebrero 12, 2024 (Lunes) hanggang sa Setyembre 30, 2024 (Lunes).
Para makapagparehistro, pumunta sa Opisina ng Election Officer sa inyong lugar mula 8:00 a.m. – 5:00 p.m., Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, maliban na lang kung idineklara ng COMELEC na walang registration.
Gayundin, walang voter registration sa Marso 28, 29, at 30, 2024 (Maundy Thursday, Good Friday, at Black Saturday).
Para sa iba pang updates, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng COMELEC https://www.facebook.com/comelec.ph. (COMELEC/PIA-NCR)