Women organization, tumanggap ng mga alagaing biik mula sa LGU Odiongan

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Tumanggap ng mga alagaing biik mula sa lokal na pamahalaan ng Odiongan ang mga miyembro ng Progreso Este Women’s Association o PEWA– isang rehistradong asosasyon ng kababaihang magsasaka sa Odiongan.

Ayon sa Odiongan Municipal Agriculture Office, bahagi ito ng kanilang programang Swine Livelihood Assistance to Women’s Organization.

Maliban sa anim na mga baboy, nakatanggap rin ang grupo ng labing-anim na sako ng feeds bilang suporta sa pagsisimula sa pagbababuyan.

“Adhikain nitong matulungan ang pagpaparami ng biik upang mapabalanse ang suplay ng karneng baboy sa ating bayan,” ayon sa nakasaad sa Facebook post ng Odiongan Municipal Agriculture Office.

“Malaking tulong rin ang maibibigay nito sa asosasyon ng mga kababaihan bilang dagdag kita at suporta sa kanilang mga programang pang-agrikultura,” dagdag pa nila.

Kaalinsabay nito ang lumalakas muling industriya ng pagbababoy sa bayan dahil sa epektibong pagkontrol ng probinsya sa African Swine Flue viral disease.

In other News
Skip to content