Zero-casualty sa pagsalubong ng bagong taon sa Romblon: DOH

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Walang naitalang nasugatan o nasawi nang dahil sa paputok sa buong probinsya ng Romblon nitong pagsalubong ng bagong taon.

Ito ay base sa panayam ng Philippine Information Agency – Romblon kay Ralph Falculan ng Provincial Department of Health Office sa lalawigan.

Aniya, walang naitala ngayong pagsalubong sa 2023 pareho noong pagsalubong sa taong 2022.

Ang mababang datus nang mga nasugatan ng paputok ngayong taon ay dahil sa patuloy na ginagawang kampanya ng gobyerno na mas mainam ang panonood sa mga fireworks display kesa bumili ng sariling paputok.

Sa Mimaropa, ayon sa pinakabagong datos mula sa CREATE ng Center for Health and Development MIMAROPA, mayroong pitong firework-related injury silang naitala sa buong rehiyon. (PJF/PIA Mimaropa)

In other News
Skip to content