No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PAGASA Gensan: magkakaroon pa rin ng bagyo at pag-ulan kahit na El Niño

GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Kahit na El Niño season, nananatili pa rin ang pag-ulan at bagyo, ayon kay Binrio Biñan, ang Station chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) Gensan, sa programang i-Inform Mo ng PIA SarGen.

Aniya, ang Northeast Monsoon o "amihan" ay patuloy pa rin, kaya't nananatiling malamig sa gabi. Idinagdag pa ni Biñan na magkakaroon pa rin ng mga localized thunderstorms o pagkulog at pagkidlat na may kasamang pag-ulan, na ayon sa kanya ay normal lamang sa isang tropical na bansa tulad ng Pilipinas, lalo na sa mga lugar na malapit sa bundok o sa mismong bundok.

Bukod sa nabanggit, iniulat din ni Biñan ang pag-iral ng "shear line," isang linya o makitid na lugar kung saan may biglaang pagbabago ng direksyon ng hangin na nagdadala ng malakas na pag-ulan. Aniya, kadalasang nagtatagal ang mga pag-ulang ito ng isa o dalawang araw.

“Ang Shear Line ay ang pagtatagpo ng malamig at mainit na hangin, na nagpapadala ng ulan. Ito’y tumutukoy sa punto kung saan ang malamig na hangin mula sa North East Moonsoon o Amihan ay nagtatagpo sa mainit na hangin mula sa Pacific Ocean,” ani Biñan.

Inaasahan rin, dagdag nito, ang pag-iral ng Intertropical Convergent Zone (ITCZ) at Easterlies, at mayroong din bihirang low pressure area (LPA) o bagyo hanggang Abril. (HJPF - PIA SarGen)

About the Author

Harlem Jude Ferolino

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch