No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 2,000 trabaho, alok sa Batangas City job fair

LUNGSOD NG BATANGAS(PIA) — Aabot sa 400 job seekers ang nakibahagi sa isinagawang job fair ng pamahalaang lungsod ng Batangas na ginanap sa Batangas City Sports Coliseum kamakailan.
 
 Ang naturang job fair ay taunang aktibidad na tinaguriang “Handog ni Mayor: Trabaho para sa mga taga-Lungsod ng Batangas” ay  bahagi ng pagdiriwang ng selebrasyon ng kapistahan ng Lungsod noong ika-16 ng Enero at pinamamahalaan ito ng Public Employment Service Office (PESO).
 
May tema ang pagdiriwang ngayong taon na “Sulong Masiglang Lungsod ng Batangas.”
 
Ayon kay PESO Manager Noel Silang, layon ng aktibidad na mabigyan ng magandang oportunidad ang mga residente ng lungsod upang magkaroon ng trabaho at maiwasan ang pagluwas o pagpunta sa malalayong lugar para maghanap ng kanilang hanapbuhay.
 
Nasa 30 lokal na kumpanya na may 2,505 job vacancies ang nakibahagi sa aktibidad kung saan nasa 29 katao ang hired-on-the-spot.
 
Lumahok din sa job fair ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Social Security System (SSS), Philhealth, at PAG-IBIG upang mas mabilis na makakuha ang mga aplikante  ng kanilang mga kinakailangang dokumento sa mga nabanggit na tanggapan.
 
Samantala, sinabi pa ni Silang na palagian silang naglalagay ng mga mahahalagang anunsiyo sa Facebook page ng kanilang tanggapan para sa mga bakanteng trabaho mula sa iba’t ibang mga kumpanya. (BPDC, PIA Batangas)
 
 
 
 
 

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch