No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Community-based monitoring system sa Tayabas City, malaki ang pakinabang sa pagbuo ng mga programa, proyekto

TAYABAS CITY, Quezon (PIA) — Malaki ang magiging pakinabang ng resulta ng 2022 Community Based Monitoring System (CBMS) sa pagbabalangkas at pagtukoy sa mga programang angkop sa 66 na barangay sa lungsod ng Tayabas.
 
Ito ang binigyang diin ni Mayor Lourdes Reynoso-Pontioso sa idinaos na CBMS turnover ceremony ng Philippine Statistics Authority (PSA) Calabarzon.
 
Aniya, makakatulong ito para sa mas maayos at komprehinsibong pagpapatupad ng mga programa na tutugon sa tunay na pangangailangan ng mga residente.
 
"Giya ang CBMS sa pagpaplano ng mga prayoridad na angkop sa pangangailangan ng mga mamamayan ng Tayabas City na magdudulot ng kaunlaran," dagdag pa din ni Mayor Pontioso.
 
Ang lungsod ng Tayabas  ay isa sa 33 lokal na pamahalaan sa Calabarzon na kabilang sa nagsagawa ng CBMS sa suporta ng PSA. Sa kabuuan ay may 142 LGUs sa rehiyon ang mayroon nang CBMS.
 
Ayon naman kay  PSA Calabarzon Regional Director Charito Armonia, mahalaga na may CBMS ang bawat lokal na pamahalaan upang maging epektibo sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa sa barangay.
 
Ang CBMS ay isang organized technology based system na nangongolekta at nagpoproseso ng mga datos na maaaring gamitin sa pagplano, pagsasagawa ng mga programa at monitoring habang pinapalakas ang partisipasyon ng mga tao tungo sa pag-unlad. (Ruel Orinday-PIA Quezon)
 

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch