No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Road satey info campaign para sa mga kabataan, pinaigting sa lungsod ng Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) — Isinagawa ng Transportation and Regulatory Office (TDRO) katuwang ang Task Force Disiplina ang isang information education campaign ukol sa road safety sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Batangas.
 
Kabilang sa mga itinuturo sa mga kabataan ang tamang pagtawid sa tawiran sa pamamagitan ng signal light, paggamit ng sidewalk at pagsunod sa batas trapiko upang maiwasan ang aksidente.
 
Ayon kay Mayor Beverley Rose Dimacuha, isa sa binibigyang pansin dito ang disiplina upang makasanayan ng mga kabataan at madala hanggang sa kanilang paglaki.
 
Itinagubilin din sa mga ito na magsanay sa panuntunang Clean as You Go o CLAYGO gayundin sa tamang pagtatapon at pangangasiwa ng basura, pagbabawal sa pagkakalat sa kapaligiran at maging sa pagsusulat sa mga pader,silya at lamesa o mas kilala sa tawag na vandalism.
 
Sa kabuuan, nasa humigit 11,000 mag-aaral sa elementarya at secondarya ang nakadalo na sa naturang IEC na sinimulan noong Pebrero.
 
Naktakdang ituloy ang IEC ngayong Buwan ng Marso tuwing Lunes at Miyerkules upang mas maraming mga kabataan ang makinabang at matuto ng tamang kaalaman para makaiwas sa sakuna sa lansangan.(BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)
 
 
 

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch