LUCENA CITY (PIA) — Tumanggap ng iba't ibang parangal ang Quezon Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at pamahalaang panlalawigan ng Quezon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan.
Kabilang dito ay ang Gawad Serbisyong Masigasig bilang pagkilala sa pinakamataas na naging pagtaas ng puntos sa isinagawang "2023 Service Delivery Capacity Assessement" or SDCA ng ahensiya.
Tinanggap din ng pamahalaang panlalawigan ang Gawad Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) Award - Gawad Serbisyong Mapagkalinga 2023 - Quezon Provincial Social Welfare and Development Office.
Ang isa pang parangal na tinanggap ay ang Gawad Serbisyong Mapagkalinga 2023.
Ang GAPAS Award ay ang pagkilala ng ahensya ng DSWD sa mga katuwang na lokal na pamahalaan sa epektibong paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa kapakanang panlipunan at pagpapaunlad.
Ayon sa Quezon Public Information Office, dinaluhan ito nina Provincial Administrator Manuel Butardo, Provincial Government Department Head -PSWDO Sonia Leyson, at Assistant Provincial Social Welfare and Development Officer Norliza Labitigan kung saan ay kanilang tinanggap ang iba’t ibang parangal. (Ruel Orinday-PIA Quezon)