No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong gusali para sa San Isidro Elementary School ng Mulanay, pinasinayaan

\MULANAY, Quezon (PIA) — Bilang pagpapatibay sa hangaring mapaunlad ang sektor ng edukasyon sa lalawigan ng Quezon, ay patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan.
 
Kabilang dito ang dalawang-palapag na gusali na may anim na silid-aralan sa San Isidro Elementary School sa bayan ng Mulanay na pinasinayaan kamakailan ni Gov. Angelina Tan.

Ayon sa gobernador,  karapatan ng bawat bata ang  magkaroon ng maayos na masisilungan.
 
“Ang  mga silid-aralan ay itinuturing bilang pangalawang tahanan na nagsisilbing pundasyon upang magkaroon ang ating mga kabataang mag-aaral ng matibay na edukasyon”, sabi pa ng gobernador
 
Ang bagong gusali ay mayroong sariling water supply system, solar panel system, fire alarm system, slope protection, at typhoon resilient na nagmula ang pondo sa pagpapagawa nito sa Special Education Fund.
 
Ang bagong disenyong  gusali ay ginawa  upang maging matibay ang paaralan sa anumang epekto ng sakuna at makasabay din ang mga guro at mag-aaral sa modernong edukasyon bunsod ng makabagong panahon.
 
Sa ngayon ay mayroon ng maayos, sapat at komportableng pasilidad ang mga mag-aaral sa San Isidro Elementary School.
 
Matatandaan na nawalan ng mga silid-aralan ang naturang paaralan matapos na ito’y maideklarang for relocation dahil sa paghagupit ng sunod-sunod na bagyong dumaan sa naturang bayan na nagresulta ito ng pagbaba ng lupa, pagtagilid ng mga gusali, nagiba ang pader at pagtumba ng mga bakod.
 
Nakasama ni Tan sa pagpapasinaya sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Board Member John Joseph Aquivido, SK Provincial Federation President at Ex-Officio Board Member Jacky Delimos, Mulanay Mayor Aris Aguirre at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan. (Ruel Orinday-PIA Quezon)
 

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch