No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tulong para sa mga mangingisda, magsasaka sa Mulanay, ipinagkaloob ng Quezon PLGU

MULANAY, Quezon (PIA) — May 250 mangingisda at 250 magsasaka sa bayang ito ang nabigyan  ng iba't ibang kagamitan gaya ng fertilizer, drums, hose, mga pananim, at gasoline sa idinaos na konsultasyon na dinaluhan ni Gov. Angelina Tan kamakailan.
 
Dito ay dininig rin ng gobernadora ang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka at mga mangingisda.
 
Kaalinsabay nito, naipamahagi sa 187 na mamayan ng Mulanay, Catanauan, San Narciso, at San Andres ang tulong pinansyal mula sa programang Aid to Individuals in Crisis Situation o AICS  at namigay rin ang Department of Social Welfare and Development ng mga relief package.
 
Naging katuwang naman sa paghahatid ng serbisyo sina Vice Governor Third Alcala, Board Member John Joseph Aquivido, Board Member Jacky Delimos, at Mayor Aris Aguirre.
 
Dumalo din  dito ang mga kinatawan ng  Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Treasurer's Office (PTO), Office of the Provincial Agriculturist  at ang lokal na pamahalaan ng Mulanay.
 
Ang konsultasyon ay idinaos bilang pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga magsasaka at mga mangingisda sa bayan ng Mulanay. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch