No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Buwan ng kababaihan, ipinagdiwang sa Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Pinangunahan ng Batangas Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa Provincial Auditurium, Capitol Compound kamakailan.


Nagsilbing regional host ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at may tema ang pagdiriwang na  “We for Gender Equality Inclusive Society.”


Sa pambungad na pananalita ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangulo ng Provincial Women Coordinating Council at kasalukuyang alkalde ng bayan ng Agoncillo, sinabi nito na mahalaga ang pagdiriwang hindi lamang sa mga Batangueña kung hindi sa lahat ng kababaihang Pilipino dahil ito ang araw na nagbibigay ng dagdag halaga at importansya sa pagkatao ng mga kababaihan.


Sa mensahe naman ni National Economic Development Authority (NEDA) Calabarzon Regional Director Agnes Tolentino, sinabi nito na hindi na mabilang ang mga napagtagumpayan at nagawa ng mga kababaihan ngunit isa sa dapat bigyang pansin ay tuluyang maalis ang anumang uri ng pag-abuso sa mga ito.


Nagsilbing keynote speaker si Philippine Commission on Women Deputy Executive Director Kristine Josefina Balmes na tinukoy ang kahalagahan ng mga ginagawang pag-aangat sa estado ng mga kababaihan at patuloy na pakikipaglaban para sa pantay na karapatan na mayroon ito sa lipunan.


Aniya, sa kasalukuyan ay nasa 16 na puwesto mula sa 19 noong nagdaang taon ang Pilipinas  sa pagtukoy ng mga gaps o pagsasaayos ng mga isyu na may kaugnayan sa karapatan ng mga kababaihan.


Tinalakay naman ni Bb. Virginia Rabino mula national Council on Disability Affairs ang mga kinakaharap na isyu ng mga babaeng may kapansanan sa bansa habang isinagawa naman ni Atty, Maria Cleofe Gettie Sandoval mula sa National GAD Resource Pool ang RA 9262  matapos ang 20 taon na ito ay ipinatupad at ano ang mga aasahan ukol sa batas na ito.


Pinangunahan ni Bb. Mildred Maranan mula sa Antonio and Leonila Torres Foundation Inc. ang breast care at cancer awareness  na karaniwang sakit na nararanasan ng mga kababaihan.


Mayroon ding mga Serbisyo para kay Juana na ipinagkaloob sa lahat ng mga dumalo sa pagdiriwang katulad ng libreng gupit, manicure,pedicure at mga agricultural  market fair.


Isinagawa din ang turn over ng susunod na provincial host sa pagdiriwang na tinanggap ng lalawigan ng Rizal. (BPDC, PIA Batangas)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch