No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga miyembro ng SSS na may mga utang na hindi nababayaran, hinikayat na mag-avail ng consolidated loan program

LUCENA CITY (PIA) -- Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na may mga utang na hindi nababayaran o past-due short-term loans na i-avail ang consolidated loan program with condonation of penalty o "conso loan".

Sa programang Pinoy Cooltura with PIA Quezon sa DWLC-Radyo Pilipinas Lucena noong Abril 1, inihayag ni SSS Lucena Branch Head Frederick Isip na layunin ng programa na matulungan ang member-borrowers sa pagbabayad ng kanilang past-due short-term loans sa pamamagitan ng magaan at abot-kayang programa at maprotektahan ang future benefits ng mga miyembro tulad ng retirement benefit.

"Pag may mga hindi nabayarang utang sa SSS, binabawas po ang bayad sa future benefits tulad ng retirement benefit, ayaw naman po natin na pagdating ng panahon na magugulat na lang tayo sa laki ng ating babayaran. Maraming pagkakataon po kasi na nagne-negative po talaga ang benefits ng isang miyembro, naghihintay nang ilang taon bago sila mag-pension. 'Yon po 'yong iniiwasan natin. Gusto po namin, kapag kayo'y nagpe-pension na, ma-enjoy n'yo po ang inyong pension," sabi pa ni Isip.

Samantala, sinabi naman ni Senior Analyst Christian Balmes na sa ilalim ng programa, pinagsasama-sama ang iba't ibang loan, at ang lahat ng penalties na naipon mula sa mga loan na ito ay mawawala.

"Ito po 'yong tulong ng SSS para hindi lahat ng kabuuang loan ay babayaran. Usually po, kapag tumagal ang unpaid loan, malaki ang penalty kasi ang interest rate ng SSS ay naka-base sa loan amount saka kung magkano ang balance niya, at naka-fix sa 10 percent lang per year, while ang penalty po ay one percent every month based on the last balance," ayon pa kay Balmes.

Ayon kay Senior Member Representative Lou Ammee Acuzar, kabilang sa short-term loans na covered ng programa ang salary loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), calamity loan, at emergency loan.

Itinuturing naming "past-due" ang loan kung hindi pa ito nababayaran tatlong buwan matapos ang due date.

Samantala, maaaring bayaran ng member-borrower ang loan sa pamamagitan ng installment scheme, depende sa loan balance kagaya ng mga sumusunod:

  • Less than P5,000: one-time payment
  • P5,000 - 10,000: 6 months
  • P10,000 - 18,000: 12 months
  • P18,000 - 36,000: 24 months
  • P36,000 - 54,000: 36 months
  • P54,000 - 72,000: 48 months
  • More than P72,000: 60 months

Kaugnay nito, ang mga nais mag-avail ng SSS Consolidated Loan Program with Condonation of Penalty ay pinapayuhang mag-apply online sa member.sss.gov.ph. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch