No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

4,331 residente sa Lopez, natulungan sa medical mission ng Quezon PLGU

LOPEZ, Quezon (PIA) — Umabot sa 4,331 na katao sa bayang ito ang naging benepisyaryo ng medical mission na isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Quezon Gov. Doktora Helen Tan kamakailan.
 
Ayon sa Quezon  Public Information Office, kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga pasyente ang libreng medical check-up, eye check-up, ENT, derma, ob-gyne, tuli, minor surgery, bunot ng ngipin, cervical cancer screening, breast exam, pagbabakuna ng PCV 23, CBC, FBS/RBS, ECG, at ultrasound.
 
Mayroon ding ipinamahaging  medical assistance ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sa mga pasyente na hindi available ang niresetang gamot ng doktor.
 
Bukod sa medical mission, kasabay na nagsagawa ng veterinary medical mission ang Office of the Provincial Veterenarian upang maghandog naman ng serbisyo para sa may mga alagang hayop.
 
Lubos naman ang pasasalamat ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Tan sa bawat doktor, espesyalista, at ospital na parating kabalikatan upang maging posible ang programang malaki ang naitutulong para sa kalagayan ng kalusugan ng mga Quezonian.
 
“Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga tumulong sa medical na mission kagaya ng mga mga nakasama nating mga doktor at mga espesyalista na nakiisa sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal,” sabi pa  ng gobernadora.
 
Nakasama din sa paghahatid ng serbisyo sina Vice Governor Third Alcala, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Board Member Sonny Ubana, Board Member Harold Butardo, Board Member Derick Magbuhos, Board Member Angelo Eduarte, at  Lopez Mayor Rachel Ubana. (Ruel Orinday-PIA Quezon)
 

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch