No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

No fly, sail zone, gun ban hanggang Enero 10 -PNP

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagpatupad ang Philippine National Police (PNP) ng ‘No Fly Zone, Drone Zone at No Sail Zone’ kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon sa PNP, ito ay ipatutupad sa paligid ng Quirino Grandstand at Quiapo Church hanggang sa Miyerkules, January 10, 2024.

Magpapatupad ang PNP ng gun ban sa Lungsod Maynila simula Lunes, January 8 hanggang hanggang 7:00 ng umaga ng Miyerkules, January 10, 2024.  

Gayundin, magpapatupad ng liquor ang Manila Police District (MPD) sa 500-meter radius ng Quirino Grandstand at Quiapo church simula 7:00 ng umaga ng Lunes, January 8 hanggang 7:00 ng umaga ng Miyerkules, January 10, 2024.

Samantala, paalala naman ng PNP na mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:

  • Bag
  • Sumbrero
  • Mga lasing
  • Water bottle
  • Hoodie jacket
  • Payong at kapote
  • Mga illegal vendor
  • Mga paputok o pyrotechnics
  • Mga patalim o ano man uri ng armas

(PNP/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch