No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Programang BOSS ng Naujan LGU, isinagawa sa Melgar A

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Upang mapabilis at kombinyente sa mga negosyante sa bayan ng Naujan ang pagkuha ng lisensiya at business permit, isinagawa noong Enero 7 sa Brgy. Melgar A na sakop ng Distrito 4 ang programa ng lokal na pamahalaan, ang Business One Stop Shop (BOSS) upang mailapit ang nasabing serbisyo ng munisipyo sa mamamayan.

Kapit-bisig ang mga tanggapan ng Business Permits & Licensing Office at Municipal Treasurer’s Office katuwang ang mga tanggapan ng Municipal Health Office, Zoning Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Engineering Office, at Bureau of Fire Protection Naujan para hindi na pumunta pa ang mga kukuha ng business permit sa munisipyo at makatipid sa gastusin sa pamasahe o gasolina ng sasakyan.

Lubos ang pasasalamat ng mga opisyales ng Pamahalaang Barangay Melgar A sa pangunguna ng Punong Barangay na si Nancy Naval sa pagsasagawa ng BOSS.

Samantala, patuloy na isasagawa sa iba pang barangay sa Naujan ang nasabing aktibidad at nakatakda ng isunod ang BOSS program sa Brgy. Aurora sa darating na Enero 13. (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro/Naujan PIO)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch