No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga nakayapak na deboto, papayagang sumakay sa LRT-2

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na papayagan nito ang mga deboto ng Itim na Nazareno na sumakay sa LRT-2 ng nakayapak.

Ayon sa LRTA, ito ay bilang pakikiisa sa gaganaping Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong Martes, Enero 9, 2024.

Samantala, mananatili naman ang regular na oras ng operasyon ng LRT-2 sa mga naturang araw. Aalis ang unang tren sa Recto station at Antipolo staton ng 5:00AM. Habang ang huling tren sa Antipolo station ay aalis ng 9:00PM at 9:30PM sa Recto station.

Ang tema ng pagdiriwang ng #Nazareno2024 ay “Ibig po naming makita si Hesus,” (Juan 12:21). (LRTA/PIA-NCR)

Kuha ng nagdaang traslacion mula sa Quiapo Church/file

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch