No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

3 pawikan, sinagip ng mga bantay dagat ng Calapan

Isa sa mga pawikan o Green Sea Turtle na iniligtas ng mga tauhan ng bantay dagat malapit sa Barangay Wawa sa lungsod ng Calapan kamakailan. (Larawan kuha ng Calapan City Information Office)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Tatlong naglalakihang pawikan ang namataan ng mga mangingisda na napadpad sa isang baklad o mga bitag para sa mga isda malapit sa Brgy. Pambisan, Baco ang iniligtas ng mga bantay dagat sa bahagi ng Brgy. Wawa sa lungsod na ito noong Enero 9.

Batay sa ulat ni Robin Clemente M. Villas, Officer-In-Charge ng City Fisheries Management Office (FMO), ang mga pawikan o Green Sea Turtle na may scientific name na Chelonia mydas na kadalasang lumalaki na hanggang limang talampakan at umaabot sa bigat na 700 libras.

Ang mga nasabing pawikan ay natagpuan ni Romeo Adra, residente ng Brgy. Baruyan, Calapan City na siya ring may-ari ng baklad na kung saan may natagpuan din malapit sa mga baklad ng dalawang pugad ng pawikan na ang isa ay mayroon 116 na itlog habang ang isa ay may 106.

Samantala, pinakawalan din ng mga tauhan ng FMO, kasama ang grupong Bantay Dagat ng Lungsod ng Calapan, Blue Alliance Philippines at PNP Maritime Group sa karagatan ng Calapan ang mga naturang pawikan upang maging malaya at makapamuhay ng maayos sa kanilang tahanan.

Sinaksihan ni Mayor Malou Flores-Morillo ang pagkakakuha sa mga pawikan at sinabi niya na ng ganitong uri ng pangyayari ay nagpapatunay na ang karagatan ng lungsod at iba pang mga karatig katubigan nito ay isang ligtas at magandang lugar, para magsilbing tahanan ng iba't ibang nilalang sa dagat.  Ayon sa alkalde, nararapat lamang na ito ay pagyamanin at alagaan para sa ikasisigla ng karagatan. (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro/Cedric Errol A. De Guzman/CIO)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch