No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DA, namahagi ng 5k cash assistance sa mga magsasaka sa Pinamalayan

Pinangunahan ng Department of Agriculture ang pamamahagi ng ayuda sa 1,589 magsasakang Pinamaleño. (Larawan mula sa Pinamalayan LGU)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Tinanggap ng nasa 1,589 magsasaka mula sa bayan ng Pinamalayan ang ayudang pinansiyal na P5,000 mula sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Pinamalayan na pinamumunuan ni Mayor Aristeo A. Baldos, Jr. noong Enero 9.

Ang nasabing mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga magsasaka o nagmamay-ari ng dalawang ektaryang palayan pababa na naka rehistro sa Farmer Intervention Management System (FIMS) para magamit sa pagsasaka, pangingisda at paghahayupan.

Samantala, nagbigay ng direktiba ang punong ehekutibo kay municipal agriculturist Danny Villacrusis, upang patuloy na makipag-ugnayan sa punong tanggapan ng DA para sa iba pang posibleng ayuda na sakop ng sektor ng agrikultura sa nasabing munisipalidad. (DN/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch