"Rest assured that we're doing everything to contain this outbreak. Magtiwala lang po kayo sa amin. Ide-determine ho talaga naman kung saan ang source para talagang ma-address natin agad itong problema na ito," pagtitiyak ni Magalong.
Makikipag-ugnayan ang pamahalaang panlungsod sa mga kalapit na LGUs na nakapagtala rin ng kaso ng gastroenteritis para sa pagsasagawa ng water testing.
Sa tala ng CHSO, karamihan sa natanggap nilang report ay nangyari mula Enero 2 hanggang Enero 8. Mula sa 492 na pasyente na nagpakonsulta sa mga health facilities, 64.4 percent ang mayroon pang mga sintomas ng AGE.
Karamihan o 63.6 percent ang kumain sa food establishment, 13.2 percent ang nag-take out ng pagkain, 11.2 percent ang kumain ng lutong-bahay, habang ang 12 percent ay may iba't ibang kadahilanan.
Kabuuang 218 ang naitalang pasyente mula sa labas ng Baguio habang 204 ang sa kalapit na mga bayan. Nasa 113 naman ang pasyente mula sa Barangay Bakakeng Norte, 94 sa Irisan, 90 sa Camp 7, at ang nalalabing bilang ay mula sa iba't ibang barangay.