No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasig GIP, bubuksan sa Enero 22

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na sa darating na Enero 22, 2024 (Lunes), ay bubuksang muli ang application para sa Government Internship Program (GIP).

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang online application para sa GIP ay bukas para sa mga sumusunod:

  • Residente ng Pasig City
  • 18-30 years old
  • Out-of-School Youth (kasalukuyang hindi enrolled at hindi nag-aaral ngayong school year)
  • Edukasyon (alinman sa mga nabanggit)
  • Nakapagtapos ng senior high school (bagong kurikulum)
  • Nakatungtong ng kolehiyo (maski hindi nakapagtapos)
  • Nakapagtapos ng kolehiyo
  • Nakapagtapos ng technical vocational course (two-year course)
  • National Certificate (NC) Level II holder

Para sa mga nais mag-apply, ihanda ang soft (electronic) copy ng mga sumusunod na requirements:

  • Updated na resume na may 2 x 2 picture
  • Birth certificate o Baptismal certificate
  • Grades o Diploma
  • Barangay indigency
  • Certificate of Good Moral Character mula sa Barangay

Sagutan ang online registration form na magsisilbing unang screening para sa mga nais mag-apply sa GIP.

Ipo-post ang link para sa online registration form na magsisilbing unang screening para sa mga nais na mag-apply para sa GIP, kung saan may 200 slots ang bubuksan.

Tanging ang mga aplikante ng nakapag-upload ng kumpleto, totoo, valid, at tamang requirements lamang ang ia-assess ng PESO.

Para kumpletong detalye at updates, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Pasig City Public Information Office https://www.facebook.com/PasigPIO. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch