No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

CEPMO, naglatag ng mga hakbang upang matugunan ang sewage problem sa Baguio City

Iprenisenta ni CEPMO Head Atty. Rhenan Diwas ang estado ng sanitation services sa lungsod sa ginanap na Baguio City Tourism Development Planning Congress nitong Biyernes, Enero 12, 2024.

BAGUIO CITY (PIA) -- Bubuuin ng City Environment and Parks Management Office (CEPMO) ang full sanitation plan upang matugunan ang sewage problem dito sa lungsod.
 
Sa ulat ni CEPMO head Atty. Rhenan Diwas, limang porsiento lamang ng mga sewage sa lungsod ang dumadaan sa wastewater treatment facility habang ang 95% ay direktang napupunta sa mga waterways o sa mga ilog.
 
Bukod dito ay may mga tagas din ang ibang sewer network at hindi lahat ng household ay konektado sa city sewer line.
 

"'Yung desludging program natin, kailangang e-enhance natin na ma-encourage natin 'yung mga business establishments, mga residential areas na mag-conduct ng regular disludging," ani Diwas. Ang desludging ay ang proseso ng paglilinis o pagtanggal ng naipong sludge o septage mula sa septic tank o wastewater treatment facility.
 
Tinitingnan din ng CEPMO ang posibilidad ng pagtatayp ng septic tank na accessible sa mga desludging plants.
 
"Sa mga districts, sa mga barangays, we're looking for areas where we could put centralized communal septic tanks, and then doon magkakaroon ng desludging papunta sa ating sewage treatment plant," saad ni Diwas.
 
Una nang nagbabala ang CEPMO na mahigpit nilang ipatutupad ang “one-strike-policy” sa pagbibigay ng notice of violation (NOV) sa mga residente at establisyemento na ilegal na nagtatapon ng wastewater sa mga waterways kabilang na ang mga may tumatagas na septic tanks.
 
Ang mga lumabag na nabigyan ng NOV ay magbabayad ng P5,000 na administrative penalty at magsasagawa ng kinakailangang corrective measures sa loob ng tatlong araw, kung hindi ay magsasagawa ng legal na hakbang ang pamahalaang panlungsod. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

Cordillera Administrative Region

Feedback / Comment

Get in touch