No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PRC Region 1 nagpaalala ukol sa pagbahagi ng mga personal na impormasyon online

LUNGSOD NG DAGUPAN (PIA) -- Nagpaalala ang Professional Regulation Commission (PRC) Regional Office I sa publiko na iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na impormasyon online, lalo na ang kanilang Licensure Examination and Registration Information System (LERIS) username at password.


Ayon kay Atty. Arl Ruth B. Sacay-Sabelo, regional director ng PRC Region 1, pinag-iingat nila ang publiko lalo na ang mga PRC license holder na iwasan ang pagbabahagi kanilang mga personal na impormasyon upang matiyak at mapangalagaan ang kanilang seguridad laban sa mga magnanakaw o paggamit ng kanilang pagkakakilanlan sa hindi awtorisadong mga transaksyon.


Paalala din ni Sabelo na iwasan ang makipag-ugnayan sa mga hindi awtorisadong indibidwal o entity na nag-aalok ng tulong upang mapadali ang mabilis ang kanilang mga transaksyon sa gobyerno.


Aniya walang sinuman ang pinahihintulutan ang PRC na mangolekta ng mga bayarin upang mapadali ang pagkumpleto ng mga transaksyon sa PRC.


“Lahat ng official onsite transaction ay sa PRC offices lamang isasagawa at isasagawa ito ng awtorisadong PRC personnel lamang,” dagdag ni Sabelo.


Ani Sabelo ang PRC online transaction naman ay maaari lamang magawa sa PRC official website na www.prc.gov.ph o sa online.prc.gov.ph.


Hinihikayat din ni Sabelo ang publiko na isumbong ang anumang kahina-hinala at hindi awtorisadong transaksyon o indibidwal sa PRC Region I sa pamamagitan ng e-mail sa ro1@prc.gov.ph.


Maaari rin aniya na magpadala ng mga katanungan at requests for assistance sa nasabing e-mail address para sa agarang aksyon.


Aniya patuloy na nagsasagawa and PRC ng mga hakbang upang maprotektahan ang publiko sa hindi awtorisado at kahina-hinalang mga transaksyon. (JCR/MJTAB/RPM PIA Pangasinan)

About the Author

Odie Mamaril III

Writer

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch