No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Palawan nananatiling ‘free zone’ sa African Swine Fever

Patuloy na pina-iigting ng Palawan Provincial Veterinary Office ang monitoring sa mga baboy sa lalawigan upang mapanatiling itong 'free zone' sa ASF. (Larawan mula sa PIO Palawan)

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Patuloy na pinaiigting ng Palawan Provincial Veterinary Office (PVO) ang pagbabantay at monitoring sa mga point of entry ng lalawigan upang masiguro ang kaligtasan ng swine industry sa gayundin upang mapanatiling nasa ‘dark green zone’ o 'free zone' ang lalawigan laban sa African Swine Fever (ASF).

Anim na mga bayan ng Palawan kabilang ang mga bayan ng Narra, Brooke's Point, Cuyo, Dumaran, Magsaysay at Quezon ang ginawaran ng Department of Agriculture–Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ng Recognition of Active Surveillance on African Swine Fever (RAS-ASF) Certificate sa magkakaibang petsa sa taong 2023.

Ang naturang pagkilala ay nakamit ng mga nabanggit na bayan sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng veterinary office matapos na mag-negatibo sa ASF ang mga barangay na sakop nito mula sa isinagawang mga pagsusuri ng DA-BAI.

Ayon kay sa Dr. Darius Mangcucang, officer-in-charge ng PVO, ang RAS-ASF ay isa sa mga pangunahing requirement ng Bureau of Quarantine (BOQ) sa isang LGU upang matukoy kung ligtas ang mga barangay nito sa sakit na ASF at upang payagan itong makapaglabas ng mga buhay na baboy sa kabila ng pagiging 'free zone’.

Isa namang malaking piggery farm sa bayan ng Coron ang nagawaran ng DA-BAI ng Certificate of Free Status on African Swine Fever (CFS- ASF).

Ito ay ang Romasanta Livestock and Poultry Supply na pinapahintulutang makapagbenta ng buhay na baboy sa iba't ibang probinsiya sa Pilipinas epektibo hanggang Abril 14, 2024.

Sa tala ng PVO, nakapaglabas ng aabot sa 1,244 heads ng buhay na baboy ang lalawigan sa taong 2023 na mula lamang sa bayan ng Narra patungo sa Iloilo province. (OCJ/PIA MIMAROPA - Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch