No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Water lily, napapakinabangan sa hanapbuhay, atraksyon sa Naujan

Hinahabi ng isang kasapi ng Dao Water Lily Association sa bayan ng Naujan ang mga hibla ng water lily upang ito’y maging isang basket at iba pang gamit tulad ng bag, pitaka, sandalyas at marami pang iba. (Larawan kuha ng DTI-Oriental Mindoro)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Malaking kapakinabangan sa mga residente ng Barangay Dao sa Naujan ang mga halamang tubig na water lily dahil napapakinabangan nila ang mga ito sa hanapbuhay at isa na rin atraksiyon sa mga turista ang Dao Water Lily Mini Park.

Sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro, natuto ang mga residente na kasapi ng Dao Water Lily Association kung paano gawing magagandang handicrafts ang water lily na dati ay problema sapagkat nakakaabala ang mga ito sa mga bangkang dumadaan sa ilog lalo kapag ito ay marami na siya din nagiging sanhi ng pagbaha sa nasabing bayan.

Nagkaisa ang DTI Negosyo Center at lokal na pamahalaan upang tulungan ang nasabing samahan na paunlarin ang negosyo at mapalawig pa ang produksiyon na gamit ang water lily katulad ng bag, basket, pitaka, sandalyas, tsinelas, sombrero, at marami pang iba.

Tinulungan din ng DTI na maipakilala ito sa merkado at pagsali sa mga trade fairs sa loob at labas ng lalawigan.

Samantala, ipinagmamalaki na rin ang lugar dahil isa na itong destinasyong panturista, ang Water Lily Mini Park kung saan hindi lamang patok ang kanilang mga produkto, gayundin ang magandang tanawin, masasarap na pagkain, at komportableng pahingahan.

Ang water lily ay kabilang sa mga halamang namumulaklak na may siyantipikong pangalan na Nymphaeaceae at nabubuhay bilang rhizomatous aquatic herbs sa mga tropikong bansa sa buong mundo at mayroong 70 kilalang uri. (DN/PIA Mimaropa - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch