No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P900K ipinagkaloob ng DSWD sa 2 asosasyon sa Looc

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Dalawang asosasyon sa bayan ng Looc, Romblon ang nakatanggap ng panimulang kapital mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) kamakailan.

Ayon kay SLP Provincial Coordinator Gare Gaa, 60 miyembro ang makikinabang sa kapital na ibinigay nila sa Polo at Pili SLP Association na parehong may proyektong babuyan.

Hinikayat din ni Gara ang mga kalahok na gamitin ng wasto ang natanggap na pondo upang mapalago ang sariling kakayahan at matamasa ang pangmatagalan na positibong epekto nito sa kanilang kabuhayan.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Looc sa pagtulong ng DSWD sa mga asosasyon na kasama rin sa mga naapektuhan ng pagtama sa bayan ng African Swine Fever. Binigyan diin nila ang kahalagahan ng napili nilang kabuhayan sa pagsulong ng matatag na agrikultura sa kanilang bayan.

Sa isinagawang turn-over ceremony ng pondo, nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga miyembro ng asosasyon na magsanay sa tamang pamamahala sa kanilang pinansyal. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch